Summer. It's now the second month of summer here in Philippines. I love being here in Norga Island every summer. The place have this beautiful view where the blue sea is kissing the blue sky, and I love it's calm and relaxing view.
Norga Island, where my grandparents are living and have a successful business here, they owned the famous amusement park. I can see how much they love this place and even me, I'm loving every single waves of the Norga Island.
Tumayo ako sa pagkakaupo at napabuntong hininga.
“Hmm! I love this place, I want to live here soon.” I said to myself and smiled.
“You can live here if you want.”
Halos malagutan ako ng hininga matapos pakinggan ang nagsalita. What I know was I'm alone here.
Nilingon ko ito and gosh!
“Who are you? What tooks you here?” I calmly asked.
“Uh? Is that what they treat a guest here?”nagkibit balikat ang loko at tumalikod.
Nandito lang naman ako sa resort ng kaibigan nila lola, and I love the spot here. Nasa pinakadulong bahagi kasi ako, malapit lang ito sa amusement park. May one round table with two seats made with cement. May nga puno, maliit na swimming pool at kitang kita ang magandang view ng island. Parang private dating place ang dating nito, pero syempre mag isa lang ako at malayang nakakapasok dito.
Tinignan ko ulit yung lalaki pero nasa swimming pool na siya!
“Hey! You're not allowed to come here! It's a private place, who are you?” kinakabahan kong tanong, ngayon palang may naglakas loob na pumunta dito sa spot na to.
“I'm a guest who need to treat well.” sabi nito at hinubad ang sando... at? hinagis sa akin? What?! “Oh? Sorry, can you put it on the table? Hehe.”
Gosh! This can't be! Hindi porke mukhang mayaman ito ay pwedeng pwede na siyang pumunta sa spot ko!
Nakakainis! Pero sige, pagbigyan ko nalang. Sabagay nagbayad naman siya upang makapasok sa resort na ito. At kung paalisin ko, baka mawalan sila ng mayaman na costumer dito.
Hinayaan ko siya, pumunta ako sa table at sumimsim ng juice. Pinagpatuloy ko ang pagprapractice ng gitara hanggang sa mapagod ang kamay ko.
Pero halos mapatalon nanaman ako nang marinig ang boses sa likod ko.
“You love music?” eto nanaman yung lalaki, bat ba nandito nanaman to?
Nilingon ko ito ngunit di sinagot, I just rolled my eyes and strum my guitar again.
“That’s not the right stru-”
“Pwede ba? Magswimming ka nalang doon at hayaan mo akong mag practice na mag isa?” sabi ko dito.
“Naiirita kasi ako sa boses mo at sa pag stum mo.” aba! Mukhang siya pa ang naiinis?
“Wow? Hahaha” namamangha kunwaring sagot ko. “Wala kang maririnig kapag nasa loob ng tubig yang ulo mo ha?” nakapamewang ko ng sabi sakanya.
“I'm doing freestyle swimming, nakalabas yung tenga ko so naririnig kita. Tsaka sino ka ba?”
Halla? Ako pa talaga ang tinatanong niyan?
Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.
“Ah nevermind, I'm not interested.” pagkasabi niya ay tumalikod at naglakad palayo.
I rolled my eyes. Nakakagulat ang presensiya niya. Napahawak ako sa dibdib ko at halatang gulat na gulat parin sa inasta ng lalaking iyon.
Matapos ang araw na iyon ay umuwi ako sa bahay nila lola. Malaki ang bahay nila, at nakakamangha ang disenyo nito.
Tumulong ako sa pagkwekwenta ng kita sa araw na ito. At hindi na ako magtataka kung marami silang kita. Marami kasing turista ang namamasyal dito.
Bukod sa Gomez spot, eto ang pangalawa kong tambayan, dito sa amusement park nila lola. Mas madalas lang ako sa Gomez spot kasi mas tahimik, malayo sa mga tao at may private space talaga siya, may pool pa.
Dalawang araw akong tumulong sa sa business nila lola, pwede namang hayaaan ko nalang ang mgapagkakatiwalaang tauhan pero dahil makulit ako at gustong maexperience ang ginagawa nila, lalo na sa pagmamanage ay tumulong ako.
“Ey fresh air again! Hmmm!” nakapikit ako at umikot habang nilalanghap ang sariwang hangin. Ramdam na ramdam ko ang malamig na hangin na nakakarelax sa akin. I love it.
*BOOOGSS!
Kung kanina’y napapikit ako sa hangin, ngayon napapikit ako sa sakit! Masakit sa noo. Tumama ako sa matigas na bagay. Unti unti akong napamulat, I can even feel the beat of my heart, bigla akong kinabahan.
“Don’t close your eyes when you turn around, you might not see someone behind you.”
Unti unti akong napamulat, umatras ako at nanlaki ang mga mata ko matapos makita ang lalaking... siya nanaman?
He look so serious, salubong ag dalawang kilay habang nakatingin sa akin. Naka white t-shirt at naka urban short.
Tumama pala ako sa kanya.
Unti-unti akong napaatras sa hiya. Pero nagulat ako noong humakbang siya palapit sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko. What are you doing man?
My heart's beating so fast and loud, I can even hear it. Nakakakaba.
“Stop!” mawtoridad na boses nito. Ngunit nagpatuloy parin ako sa pag atras hanggang sa...
Nahila niya ang braso ko, dahilan para mauntog muli ako sa dibdib niya.
“Don't move backwards without looking what's in your back.” pagkasabi non ay binitawan na niya ang braso ko.
Unti unti akong lumingon sa likod, at sa gulat ko ay halos mapatalon ako!
The deep well! At naka bukas! Paano nalang kung hindi niya ako hinila?
Pero teka, bat ba kasi naka bukas ito? Bat nawala yung takip niyan?
Uminit ang ulo ko sa inis.
“Sino ka ba ha? Bakit mo tinanggal ang takip ng well na iyan?” kinakabahan ko paring tanong.
“Alam mo bang delikado kapag nakabukas yan?!” iritado ko ng tanong. “Paano nalang kapag nahulog ako jan?” malungkot kong sabi.
“Ask yourself. Do you always do that papikit style? Tignan mo, sa kakapikit mo tumama ka sa akin.” seryoso paring untag nito.
“Next time, tignan mo ang nilalakaran mo. Don't walk back coz you don't have eyes at your back.” dagdag pa niya at mas lalong kumulo ang dugo ko. Ano ba kasing ginagawa niyan dito?!
“Bakit mo ba kasi pinapakialaman ang deep well na yan. Sinarado na nga nila tapos bubuksan mo pa? Useless naman kasi wala ng tubig yan.”
“Tch.”pagkabigkas niya ay tinalikuran nanaman niya ako.
Nakaalis na siya pero kinakabahan parin ako. Umayos ako sa pagkakaupo at kinalma ang sarili. Nagsulat nalang ako ng kanta, nawalan na ako ng ganang magswimming. Sa kalagitnaan ng pagsusulat ay nag ring ang cp ko. Si lola tumatawag.
Lola asked me to go at the hotel’s restaurant. Pagdating ko don, namangha ako sa eleganteng set up nito. Talagang pang mayaman ang datingan. The place looks classic but elegant, i love it.
Naroon na sila lola, pero may mga kasama sila.
Ang nakikilala ko lang ay ang grandparents ko at sina lolo and lola Gomez. May isang couple, mga ka age ni dad, at may dalawang binata na hindi nalalayo sa edad ko. They looks handsome.
“Apo!” sumigaw si lola at doon lang ako natauhan.
Bumati ako at niyakap sila, including lolo and lola Gomez. Kumalas ako sa pagkakayap at ngumiti sa bisita. Mukhang seryosong tao sila.
“Hija, I would like you to meet my son, and his family.” sabi ni lolo Philip sabay turo sa anak niya.
Ngumiti ito sa akin at naglahad ng kamay. “I'm your tito Arvin Gomez, the oldest son of your lola Thiana. How about you hija?” nakangiti paring tanong niya sa akin.
“Wow, nice meeting you po tito. I'm Aizle Hailey Domiguez po, grand daughter of lolo and lola.” sabay turo ko sa direction ng grandparents ko.
“I guess you're the daughter of their oldest son, Marco Domiguez?!” natutuwa nitong tanong sa akin. Tumango ako at niyakap niya ako! “Oh I'm sorry hija, namiss ko lang ang daddy mo. We were friends back then!”
Nagpatuloy ang pakikipagkilala ko sa kanyang asawa na si tita Genie, at ang dalawang anak ba nila?
Naglahad ng kamay ang isang lalaki sa akin “I'm Christan, niece of tito Marco, how old are you?” nakangiti paring tanong nito.
“Im 25, nice to meet you.” nakangiti ring sagot ko.
“Ehem ehem.” kunwaring nauubo ang isa pang lalaki. Don lang kami natauhan ni Christan, binitawan na niya ang kamay ko. Nakakahiya.
“What is your name?” tanong ko sa isang lalaki. Ako na ang nagtanong para hindi halatang kinakabahan ako.
“I'm Mac Roilan, miss beautiful.” ngisi nito at naglahad ng kamay. “Im 26, cousin of Christan too. Our parents didn't arrive due to business reasons.” pagdadaldal ni Mac.
Tumango nalang ako at ngumiti.
“Omoo! My son!” excited na sigaw ni tita Genie.
Lilingon na sana ako sa bagong dating pero nagtanong ulit si Christan.
“Are you single? Miss beautiful?” aba ang tapang naman nito at harap harapan talagang nag chichics!
“Dude, haha. Masyado kang halata.” narinig kong bulong ni Mac.
“I'm sorry I'm late.” halos mapatalon ako sa gulat! Narinig ko yung boses nong lalaki!
Lumingon ako, nakataas ang kilay niya sa akin!
Hindi man lang nabigla sa presensiya ko.
Bigla akong kinabahan.
“Magtitigan nalang ba kayo?” natatawang sabi ni Mac. “Dont you want to know this beautiful girl?” tanong ni Mac kay lalaki. Hindi ko alam ang name niya e.
“Tch haha.” bahagya siyang natawa. Bagay sa kanya ang soot niya ngayon. Naka black v-neck shirt, at black jeans. Hindi ko maitatanggi, gwapo siya, malaki din ang katawan niya, siguro nag gygym?
“Hey? Ang sabi ko, I'm Brixton.” bigla akong kinabahan. Kanina pa pala nakalahad ang kamay niya.
“I'm Aizle.” sabi ko at kakamayan ko na sana siya pero bigla niya itong binaba!
Pinapahiya niya ako? Nanumbalik ang inis ko sa kanya!
Kunot ang noo ko habang kumakain kami ng dinner. My grandparents and their grandparents talk about their friendship in past, pero hindi ako maka concentrate.
Nalaman ko lang na si Brixton pala ang eldest grandson ng mga Gomez. 26 years old din siya at graduate sa kursong Business Management. Nalaman ko rin na siya ang sinasanay na mag handle ng Gomez Hotel and Resorts. Bigla tuloy akong nahiya sa inasta ko noong pumasok siya sa favorite spot ko, mas may karapatan pala siya kesa sa akin.
I spent my weekend at the beach. Naisip kong magswimming sa pool don sa favorite spot ko pero mas bet ko ang beach ngayon. Gusto kong mag pa-araw.
9 am palang pero madami ng tao dito sa beach. May mga magkakaibigan na lumalangoy at naglalaro sa tubig. May isang pamilya naman na tinuturuan ang anak na lumangoy, meron ding couples naghahabulan sa tubig.
Naisip ko noong kami pa ni Jake, pareho kaming focus sa pag aaral pero may time din naman kami together. We don't need to see each other everytime but we do love each other. Noon yan. But nagbreak kami, we both fell out of love. Nareliazed namin na mas okay pag magkaibigan nalang kami. Napangiti ako sa couples.
“Naiinggit ka?”
“Ay kamoteng gulay! Anu ba naman!” napahawak ako sa dibdib ko at nilingon ang nasa likuran!
Napakaseryoso ng mukha niya! Kailan kaya ito huling tumawa?
“You’re swimming alone here?” bigla niyang tanong.
Lagi niya nalang pinapabilis ang tibok ng puso ko. Lagi siyang nanggugulat at nakakainis iyon!
“Hindi ako nag iisa, nakikita mo naman siguro 'no?” hindi naman talaga ako nag iisa, marami kaming nagswimming ngayon.
“Tch. Silly.” ngumisi siya at nilagpasan ako. Nakapamewang ko siyang sinundan ng tingin kahit nag swiswiming na siya!
“Pupurihin pa sana kitang magaling lumangoy pero ang pangit naman ng ugali mo. Hmp!”
“Hey miss beautiful!” dalawa lang naman tumatawag sakin ng ganyan dito. His cousins.
“Oh hello? Magswimming rin kayo?” tanong ko kay Mac na naka topless rin.
“Yeah. Sobrang init kasi. Boring naman kung mag stay lang kami sa hotel hahaha.” wika ni Mac.
“Whats up, beautiful.” si Christan lang naman yun.
“Okay lang, ineenjoy yung view.” sagot ko.
“Seems like you're alone? Whose with you, by the way?” Tanong ni Christan. Akala siguro niya may kasama akong maganda haha.
“Wala haha, sorry wala akong maipapakilala sayo. Bukas yayain ko yung kaibigan ko dito at ipakilala mo sayo.” nakangisi kong sagot. Natawa naman si Mac. May kaibigan naman ako dito, si Kelzie, naku mahilig to sa mga gwapo, baka kung kasama ko siya ngayon ay paniguradong humihiyaw sa kilig.
“Tch kahit wag na. Meron ka naman hehe.”
“Hoi, ikaw Christan a? Tigil tigilan mo nga si Aizle.” seryosong sabi ni Mac Roilan.
“Ano ba? Magswimming ba kayong dalawa o ano?” boses nanaman ni Brix! Nakakaasar kasi lagi akong nagugulat.
“Tara, sa gitna Aizle!” pang aaya ni Christan pero tumanggi ako. Okay na ako dito, gusto ko lang naman magbabad at tsaka moment naman nilang magpinsan yun e.
“Nice.” bulong ni Brix habang naka ngisi. Anong nice nice sinasabi neto?
“Baliw.” pabulong kong sabi.
Hindi siya sumasagot pero nilingon niya ako. Nakangiti na siya ngayon. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti!
Nakangiti siya! Gosh!
My heart's beat so fast again. Kinakabahan nanaman?
Tumawa siya, pero naramdaman ko ang wisik ng tubig sa aking mukha. Konting wisik lang yun pero nairita ako.
“Kainis ka!” bumawi ako. Winisikan ko siya ng tubig. Derederetso ang ginawa ko hanggang sa tumama ito sa mukha niya, napapikit siya sa sakit, natamaan yung mata niya. Halaa?
“Hoy, okay ka lang?” lumapit ako sa kanya at tinignan sa mukha. Inopen niya ang isa niyang mata at nilingon ako. Hindi ko maintindihan kung bakit napangiti nanaman siya. Pero imbis na sagutin ako ay iniwan niya akong mag isa, nag swimming siya papunta sa mga pinsan niya.
Kinabukasan niyaya ko si Kelzie na mag swimming. Pumayag naman siya. Nakilala niya rin sina Christan, Mac at Brix. Hindi niya mapigilang kiligin sa tuwing lalapitan siya nong tatlo. Simpleng action lang nila, kinikilig na siya.
Sa loob ng tatlong buwan naging madalas ang pagkikita namin, napalapit narin kami sa isat isa, naging mag kaibigan naman kami, lagi silang nag-aayang mag swimming at deretso naman kami sa resort para kumain. Buti nalang at meron si Kelzie na kasama ko.
Nakilala kong si Brix ang pinaka seryoso sa kanilang magpipinsan, si Christan ang joker at mahilig sa babae, mabait naman si Mac at friendly din. Si Mac ata ang pinaka normal sa kanilang magpipinsan.
Kahit lagi akong ginugulat ni Brix, palagi ko naman siyang nakikita sa favorite spot ko tuwing nag babasa or nagsusulat ng kanta. Minsan tahimik siya at nagswiswimming lang, pero madalas nakekealam sa mga ginagawa ko. Inaasar niya pa akong hindi daw marunong mag gitara kaya tinuturuan niya ako. Mabait din pala siya.
“Oo na ikaw na ang magaling!” pagmamaktol ko habang tinuturo ang ilang mahihirap na chords, may tip din siyang binibigay para mas madali ko ito isaulo.
“Haha I just find it cute that a girl like you wants to play a guitar.” natigilan naman ako sa sinabi niya.
“Don’t get me wrong haha. Even my ex, she's cool but I did'nt see her learning that thing.”
“Eh sa hindi naman ako yung ex mo. Magkakaiba naman kasi ang hilig natin.”
“Yeah haha, she said that guitar is for men only so that, women can easily fall for them. Dagdag points daw sa kanila hahaha.” natatawang niyang sabi.
Well atleast masaya siya sa memories ng ex niya no?
Saturday at nandito kami ulit kami ngayon sa beach, syempre swimming nanaman. Mukha kaming mga bata kung naglalaro kami ng habulan sa tubig. Marunong kaming lahat sa swimming kaya walang ma a-out of place twing naglalaro kami ng habulan.
“Bat antagal ni Brixton?” tanong ni Mac. Mukhang napagod siya sa swimming.
“Ayan na pala siya oh?” sabi ni Tan kaya napalingon ako. Pero natigilan ako sa kasama niya.
“O-M-O... Hoy ang chaka mo Aizle, bat di mo sinasabing may gf pala ang poging iyon?!” sabi ni Kelzie pero hindi ko rin alam na may gf pala siya.
Kahapon, natopic lang namin yung ex niya, ngayon may gf na pala siya.
Sinalubong sila ng mga pinsan niya kaya sumunod naman kami. Nagpakilala ang babae na si Leigh. Maganda siya, maputi, mahaba ang kulot na buhok at mas matangkad sa akin.
“Yeah I'm staying here too for 2 months I guess?” kwento ni Leigh habang kumakain na kami.
“Well, I didn't know you're together haha.” sabi ni Tan.
“It’s okay.” nakangiting usal ni Leigh.
Mukhang mabait naman siya. Para siyang isang model. Napakaganda niya.
Ganon din ang nangyari sa mga sumunod na araw. Lagi naming nakakasama si Leigh at mukhang okay naman siya.
Gusto ko lang mapag-isa ngayon. Nalulungkot ako at hindi ko alam ang nararamdaman. Namimiss ko na yata sila mommy and dad sa Manila. Kailan kaya ako uuwi? Ano kayang ginagawa nila sa bahay?
“Ang lalim naman ng iniisip mo?” literal na napatayo ako sa gulat. Hawak ko ang dibdib ko at lumalakas ang pintig ng puso ko.
“Huwag ka ngang manggulat! May iniisip ako.” nairita kong sabi kay Brix.
“Bakit lagi kang napapatalon kapag nagsasalita ako?” kunot noo niyang tanong. Nilagpasan niya ako at umupo siya sa harap ng upuan ko.
“Para ka kasing kabute, kung saan saan sumulpot. At teka? Bat ba nandito ka nanaman?” tanong ko sakanya at umupo na rin ako.
“Nagpapahangin lang. Is this your favorite spot?” tanong niya sakin habang nakatingin sa paligid, sinusuri niya ang kabuuan ng spot na ito.
“Oo, dito nga. Hindi na ako magtataka kung aagawin mo etong spot na ito.” sabi ko sabay nguso. Paano kaya kung ipapatanggal niya ang spot na ito kapag siya na ang magmamanage dito? Sayang naman to, magandang spot pa naman.
“Bat mo naman naisip na aagawin ko to?” seryoso niyang tanong.
“Malay ko ba kung anong nasa isip mo.”
“Kung ganon ang pag iisip ko, sana matagal ka ng wala dito.” seryoso pa ring dagdag niya.
“Sabihin mo lang kung ayaw mo akong makita dito, ako na ang mag a-adjust para may space kayo ng GF mo.” seryoso ding sabi ko.
“Tch, you overthink too much.” yun lang sinabi niya pero nakatitig parin siya sa mga mata ko.
Nang sumunod na gabi ay magkasama nanamang nag dinner ang mga grandparents namin. Wala na sina tito Marco at tita Genie. Kasama namin ang tatlong magpinsan at meron din si Leigh. Naipakilala na rin ni Leigh ang sarili niya bilang GF ni Brix. Tahimik lang si Brix at mukhang seryoso. Natuwa naman ang mga lola't lolo namin.
“That’s why we don't do arrange marriage. We want our son and grandson to choose whom they love.” sabi ni lola Thiana.
“Yeah, we really know how hard to be in that situation. Kung pwede nga lang sana namin gawin, baka inarrange na namin sina Aizle at Bri--”
Hindi na natapos ni lola ang sasabihin sapagkat nabilaukan na ako. Binigyan ako ng tubig ni Mac kaya okay naman na ako ngayon.
“What can you say about it apo?” nakangising tanong ni lolo.
Pero kibit balikat lang ang naisagot ni Brix, tumingin siya sa akin pero nilipat ang paningin sa pagkain noong nagsalita si Leigh.
“Buti nalang po hindi niyo ginawa lola, HAHAHA mahal na mahal ko pa naman ang apo niyo.” sabi ni Leigh sabay yakap sa balikat ni Brix. Tsss nakakasuka.
Abot tenga ang ngiti ni Leigh, panay naman ang ngisi ni Brix. Siguro kinikilig to? Eww.
Hanggang sa nagtama ang tingin namin ni Brix. Sandali siyang napatigil sa pagsubo at kunot noo siyang tumitig sa akin.
Kumalabog nanaman ang puso ko. Sobrang lakas ang tibok nito. Kinakabahan nanaman ba ako?
“Eat your food, apo. Hindi pwedeng magtitigan nalang kayong dalawa diyan.” don lang ako natauhan sa sinabi ni lola.
Gosh! This can't be. Can't be.
Pagkatapos kong kumain ay nagpahangin ako sa labas. Sa favorite spot ko.
“Argh! How to do it again?” nalilito kong sinundan ang tinuturo ng pinapanood ko.
“Ang hirap talaga!”
Noong sumunod na mga araw, binuhos ko ang oras sa pagprapractice ng gitara. I really want to play this. Every dinner ay sumasabay kami sa mga Gomez kaya halos araw araw kong nakikita yung magpipinsan. Minsan wala si Leigh.
Ngayon, naisipan nanaman nila Mac mag swimming kaya sumama naman kami ni Kelzie.
“How does it feels na close ang grandparents niyo ni Brixton?” nakangising tanong ni Leigh sa akin. Naiwan kasi kaming dalawa dito sa cottage.
“Wala naman.” sagot ko at tumayo na ako. Gusto ko ng magswimming.
Pumunta ako kay Kelzie na nakikipaghabulan kay Christan. Nag back floating ako at tumingala sa magandang kalangitan. Nirerelax ko ang aking isip at damdamin.
Ano naman kung close ang grandparents namin? Ikaw naman ang gusto niya, Leigh. Swerte mo nga at nagustuhan ka ng isang Gomez. Wala na akong laban doon. Talo na ako.
Eh ano naman kung talo ako? Atleast close naman ako kila lolo at lola Thiana.
Bakit ko nga ba naiisip ’to?
TO BE CONTINUE...
Title | Beats In Norga Island |
---|---|
Genre | fiction story, romance and life story |
Cover Photo | Edited in Canva |
Written by: | @joreneagustin |
•••